TINGNAN: Bundok sa Tublay, Benguet nasusunog

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 12:28 PM | Updated as of Feb 22 2020 12:37 PM

Larawan mula sa Bureau of Fire Protection

Larawan mula sa Bureau of Fire Protection

Larawan mula sa Bureau of Fire Protection

Patuloy na nagliliyab ang kabundukan sa bahagi ng Barangay Ambassador sa bayan ng Tublay sa Benguet, Sabado ng umaga.

Nag-umpisa ang apoy noong Pebrero 20, ayon sa spot report ng Bureau of Fire Protection sa Tublay.

Hirap ang mga bombero na abutin ang ilang bahagi ng bundok dahil delikado at hindi makapasok ang kanilang fire truck.

Hindi pa tiyak kung ilang residente ang naapektuhan ng sunog at kung gaano na ito kalawak.

Rumesponde na rin ang Office of Civil Defense at mga bombero mula sa La Trinidad at Baguio.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.