Driver patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 09:35 AM | Updated as of Feb 22 2020 11:23 AM

Patay ang driver ng isang van matapos pagbabarilin ng mga salarin na lulan ng motorsiklo sa St. Scholastica Street, Barangay 13, Pasay City, madaling araw ng Sabado.

Bago napatay ang driver ng van, naipit pa niya sa pader ang motorsiklo ng mga suspek kaya naiwan nila ito sa lugar. 

Ligtas ang amo ng driver at ang bodyguard nito. Inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaril. 

-Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.