Ginang na 'high-value target' ng PDEA huli sa buy-bust

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 05:29 PM

DAGUPAN CITY, Pangasinan — Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dito ang isang ginang na itinuturing nila na high-value target. 

Nobyembre 2019 nang simulang manmanan ng mga awtoridad ang ginang na kumukuha raw ng suplay ng ilegal na droga sa Maynila at ibinabagsak sa Pangasinan. 

Aabot sa P400,000 halaga ng shabu ang kumpiskado sa suspek.

Timbog din ang 2 lalaking kasama niya sa buy-bust operation. 

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.