ALAMIN: Mga aayusing kalsada sa Metro Manila, Pebrero 21-24

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 05:41 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Pebrero 21, Biyernes.

Magtatagal ito hanggang alas-5 ng umaga ng Pebrero 24, Lunes.

Narito ang mga apektadong lugar:

SOUTHBOUND

  • A. Bonifacio Ave. 11th Ave. hanggang Sgt. Rivera St. (3rd lane mula sidewalk)
  • EDSA Guzent hanggang Roosevelt Ave. (3rd lane mula sidewalk)
  • EDSA malapit sa BP Tuazon flyover papuntang Boni Serrano flyover (3rd lane mula MRT Line)

WESTBOUND

  • General Luis St., Samote St. hanggang SB Road
  • Elliptical Road mula Kalayaan Ave. hanggang Maharlika St. (4th lane mula outer sidewalk)

NORTHBOUND

  • EDSA QC lagpas ng Aurora Blvd. hanggang New York St. (3rd lane mula sidewalk)

Samantala, isasara naman ang bahagi ng C-5 cor. Eagle St., malapit sa Julia Vargas at Pasig Blvd. mula 10 p.m. Biyernes at bubuksan ng 4 a.m. sa Lunes para sa isasagawang maintenance work ng Manila Water.

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap na lang muna ng mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.