Live-in partners timbog sa pambubugaw sa 2 menor de edad

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2019 10:27 PM | Updated as of Feb 21 2019 10:39 PM

Arestado ang live-in partners sa Cauayan City, Isabela matapos ireklamo ng pambubugaw sa dalawang menor de edad sa parehong lugar.

Sa rescue operation na ikinasa ng Cauayan City police at Department of Social Welfare and Development (DSWD), inaresto ang magkasintahang sina Jessica Javier at Dave Echaveria.

Ang dalawang menor de edad na biktima ang mismong naghain ng reklamo sa live-in partners.

Ayon sa pulisya, mga kabataang problemado o may pinagdadaanan ang binibiktima umano ng dalawa, sa pangunguna ni Javier.

Modus ng mga suspek na pakitunguhan nang mabuti ang mga problemadong bata, at saka ito aalukin na ibugaw.

"Ang ginagawa niya, sabi ng mga victim, kaliwaan daw. Kapag inihahatid sa hotel, ibibigay ang bata, ibibigay din ng guest ang bayad. Pagkatapos ng sexual activity uuwi sa boarding house ang bata, that's the time binibigyan niya ng bayad," ani Chief Inspector Esem Galiza ng Cauyan City police.

Nasa P500 hanggang P1,000 ang ibinibigay bilang bayad sa mga biktima.

Kinasuhan na ang mag-live-in partner ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

—Ulat ni Darlene Ballad, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.