ALAMIN: Para saan ang gag order na ipinapataw ng korte

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 01:48 PM | Updated as of Feb 20 2020 02:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — May mga pagkakataong kapag umaarangkada na ang kaso ay pinipigilan ng korte ang mga panig na magsalita ukol sa reklamo, sa pamamagitan ng isang gag order. 

Naghahain ng motion for gag order ang partido para matiyak na patas ang magiging paghahatol sa kaso at hindi maiimpluwensiyahan ang huwes, ayon sa abogadong si Noel Del Prado. 

"[Layunin nitong] mapanatili ang integridad ng isang pagdinig para hindi mahaluan ng extraneous factors," ani Del Prado sa programang "Usapang De Campanilla" noong Miyerkoles. 

Hindi aniya bago ang paghahain ng motion for gag order sa mga malalaking kaso. 

Pero sabi ni Del Prado, may pagkakataon na maaaring maabuso ang paghiling ng gag order. 

"Kakabit kasi ng bituka nito iyong karapatan ng malayang pamamahayag, freedom of the press at expression. Dito rin kasama dito ang payapang pag-assemble," paliwanag ni Del Prado. 

Kapag lumabag sa gag order ng korte, posibleng ma-cite in contempt ang isang partido kapag lumabag ito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.