'Super snow moon,' sinaksihan ng mga Pinoy

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 05:27 AM | Updated as of Feb 20 2019 06:42 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasaksihan ng mga Pinoy Martes ng gabi ang isang lunar event na tinatawag na "super snow moon".

Paliwanag ng PAGASA, nakikita ito kapag malapit ang buwan sa daigdig. Ginagamit ang terminong snow sa North America at ibang bahagi ng mundo na nasa winter season ngayon.

Sa unang 3 buwan ng 2019, may serye na ng super moon, pero espesyal nitong Martes dahil pinakamalapit ang buwan sa mundo.

Photo from Mike Bagtas

Dahil sa lunar event, ilang enthusiast ang nagpunta sa UP Observatory.

Para sa UP student na si Martin John Mercurio, hind sapat na tingnan ang buwan gamit lang ang mga mata.

"Parang mas makikita 'yung texture 'yung surface sa telescope kesa naked eye," aniya.

Kaniya-kaniyang kuha rin ng retrato ang mga Bayan Patroller sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sunod na makikita ang super moon sa Marso 21. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.