Kindergarten student minolestiya umano ng 21 anyos na lalaki

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 05:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang isang 21 anyos na lalaki nitong Martes matapos umanong manggahasa ng isang 7 anyos na kindergarten student sa Bacolod City. 

Ayon sa ina ng bata, napansin niyang dumudugo ang ari ng kaniyang anak nang magreklamo ito na sumasakit ang maselang bahagi ng katawan. 

Nang tanungin daw ng ina ang anak kung ano ang nangyari ay sinabi na ito ng bata sa kaniya, na pinasok umano ng suspek ang kaniyang daliri sa ari ng babaeng biktima. 

Pinabulaanan ng suspek ang mga paratang sa kaniya at sinabing hindi niya maintindihan kung bakit siya inaakusahan ng ina ng bata. 

Ipinasailalim na sa medical exam ang bata para masampahan na ng kaso ang suspek. 

Kasalukuyang nakakulong sa Bacolod City Police Station 6 ang suspek. 

--Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.