PANOORIN: Warehouse sa Pasig, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2018 11:04 PM | Updated as of Feb 20 2018 11:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakunan ng video ng Bayan Patrollers ang sunog sa isang warehouse ng kotse sa Jenny's Ave., Barangay Rosario, Pasig City Martes ng gabi.

Watch more in iWant or TFC.tv

Makapal na usok at naglalagablab na apoy ang makikita sa video ni Bayan Patroller Joliver Francisco.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ganito rin ang video na nakunan ni Bayan Patroller Sha Landayan kung saan maririnig pa ang sirena ng mga firetruck na rumeresponde sa sunog.

Ayon sa Pasig City Fire Station, nagsimula ang sunog 7:20 ng gabi. Agad itong iniakyat sa ika-apat na alarma matapos ang 18 minuto.

Itinaas sa ikalimang alarma ang sunog alas-8:20 ng gabi, ayon kay Fire Supt. Reynaldo Lorenzo ng Bureau of Fire Protection Pasig.

Kasalukuyang inaapula ng mga bumbero ang apoy.