Truck inararo ang tindahan sa Bulacan, mag-ina patay, 12 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 07:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang vendor ng pakwan at ang sanggol niyang anak, habang 12 ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang tatlong sasakyan at isang tindahan sa Quirino Highway sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan. 

Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Del Monte Police, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber ng truck na si Zander Herrere Sena sa pakurba at palusong na bahagi ng kalsada. 

Dahilan ito para magdire-diretso ang sasakyan sa mga tindahan sa gilid ng kalsada. 

Napuruhan ang namatay na si Michelle Ramos at ang 3 buwan pa lang na anak na nagbabantay lang ng tindahan nang mangyari ang aksidente. 

Nahagip din ang bahagi ng bahay ng residenteng si Dang Abaloyan pero galos lang sa paa at kamay ang kaniyang tinamo. 

Hawak na ng pulisya si Sena. 

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na tutulungan umano nila ang mga namatayan at nasugatan sa aksidente. 

-- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.