Konsehal patay sa pananambang sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 01:33 PM

Sakay ng kaniyang behikulo si Konsehal Alex Diamante Tizon nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bayawan City. Bayawan Police

BAYAWAN CITY - Patay ang isang konsehal matapos tambangan sa Bayawan City, Negros Oriental, Martes ng umaga.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), tinambangan sa National Highway sakop ng Barangay Villareal ang biktimang nakilalang si Konsehal Alex Diamante Tizon. 

Nagmamaneho ng kaniyang sasakyan ang konsehal nang may nag-overtake sa kaniya na riding-in-tandem at pinagbabaril siya.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.