Bangkay ng banana farm caretaker, natagpuan sa loob ng sako

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 10:35 PM

Natagpuan ang bangkay ng isang caretaker ng banana farm sa loob ng isang sako Lunes ng umaga sa isang kanal sa Bago City, Negros Occidental. 

Ayon sa imbestigasyon ni Police Maj. John Batusbatusan, hinahanap pa nitong Linggo ng kanyang kasamahan ang biktimang si Jerry Juanitas.

Nakita kinabukasan ang kaniyang bangkay nang mapansing may inilibing na sako sa natuyong kanal at mayroon nang amoy.

May nakitang tama ng taga sa leeg ng biktima. 

Isang linggo bago nangyari ang krimen, may nangyaring hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang hinihinalang suspek na caretaker din ng sakahan. 

Babae umano ang dahilan ng pag-aaway at pagseselos ang nakitang motibo sa krimen, ayon sa mga awtoridad.

Hinahanda na ngayon ng mga pulis ang kasong murder laban sa suspek na tumakas.-Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.