Iranian national, arestado matapos mambugbog ng pulis sa Puerto Galera

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2019 07:09 PM | Updated as of Feb 21 2019 11:59 PM

Isa na namang banyaga ang inaresto dahil sa direct assault sa isang pulis nitong Linggo.

Inaresto ng Puerto Galera Police ang Iranian national na si Fereshteh Najafi Marbouyeh, 31 anyos dahil sa pagwawala sa Barangay Tabinay, Puerto Galera, Oriental Mindoro nang ito ay malasing.

Naghuhubad at nag-iiskandalo ang babae kaya itinawag na sa pulisya.

Nang maaresto, pinaso nito ng sigarilyo, sinipa, at sinuntok si PO2 Ferr Henrick Mangarin.

Kinasuhan ang babae ng direct assault on person in authority.

- ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.