Failon Ngayon: Gun ban

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2019 11:32 PM | Updated as of Feb 16 2019 11:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tuwing sasapit ang panahon ng halalan, hindi lang mga poster ng politiko ang nagsusulputan. Kaliwa’t kanan din ang mga checkpoint sa bayan-bayan, hudyat na simula na ng election gun ban.

Pero sa kabila ng mga regulasyon at pinaigting na seguridad, sunod-sunod pa rin ang mga insidente ng walang habas na pamamaril.

Binulabog ng sunod-sunod na pamamaril ang Barangay Bagong Bayan, Teresa, Rizal noong Pebrero 7. Kinilala ang nagpaputok ng baril na si John Albert Araojo.

Apat ang namatay sa insidente. Anim naman ang sugatan. Ayon sa kaanak ng isang biktima, bago lamang ang suspek sa lugar.

May rumesponde namang pulis sa pangyayari pero ang sistema, maging sila ay pinaputukan ng suspek. Obserbasyon ng isang anti-crime group na Citizen Crime Watch sa naging aksyon ng pulis, napaputukan at nasugatan ang mga pulis, para daw bang blinded ang mga pulis.

Dahil sa pangyayari, ang mga residente ng lugar ay balot pa rin ng takot.

Isang linggo na ang nakakaraan pero patuloy pa rin ang paghahanap sa suspek. Bukod sa hindi pa malinaw ang motibo sa shooting spree. Hindi pa rin malinaw kung kaninong baril ang ginamit ng beinte sais anyos na suspek.

Ganito rin ang estado ng imbestigasyon ngayon sa isa pang insidente ng pamamaril sa West Avenue, Quezon City noong Pebrero 1. Hindi pa rin tukoy ang baril na ginamit.

Kapag nga daw ang isang baril ay ginamit sa isang krimen, sinisinop ng pulisya ang pagkakakilanlan ng baril na ito, dahil bawat isang baril ay mayroong sariling katangian o palatandaan. Maging ang mga bala kung saan nag-iiwan ng palatandaan ang mga baril ay maaari ring suriin. Ang tawag diyan ay forensic ballistics examination.

Paliwanag dito ni Dr. Gregorio Mendoza Jr. kailangan na patunayan ang "class characteristics, the caliber, the lands, and groove, and the direction of twist of the fired bullets, and then you go to striation marks" upang makita kung ang mga ito ay galing sa iisang baril, at kung pareho ang bala.

"So it means one and the same firearms because the principle of forensic ballistic examination and firearms identification is that no two firearms are absolute identical or alike. If it is license firearms and the specimens of that firearms is on file at the database of PNP known as the integrated ballistic identification system so that is the basis, the detection shall be made kung tutukan ng anu, mataas na ang dalawang araw," aniya.

Pero sa takbo ng mga imbestigasyon ngayon, inaabot ng ilang linggo ang pagkilala sa ebidensiyang bala at baril.

Ayon kay Atty. Jose Villegas Jr. ng Citizen Crime Watch, “Sa imbestigayon naman ng pulis para ma-trace 'yung mga baril, mabagal po ang process dahil kulang pa sa teknolohiya sa laboratory ang kapulisan sa determination ng source ng bullets o sa owner kung licensed ba o hindi."

Aniya, "tumatagal ang imbestigasyon, samantalang ang ideal na timeframe para ma-trace agad ang may ari ng baril ay 24 hours," gaya ng nangyayari sa US.

Kung dumaan naman sa ballistics ang mga bala, karamihan naman sa kanila ay hindi pagmamay-ari ng suspek o wala talagang record sa pulisya. Ang tawag dito ay loose firearm.

Gaya ng pamamaril na nangyari naman sa Malate, Maynila sa parehong araw na Pebrero 7. Agad namang nirespondehan ng pulis ang grupo kaya nahuli ang mga ito. Nakilala ang nagpaputok ng baril na si Marjay Dominguez, 29 anyos, mula Cavite. Lumitaw na hindi pagmamay-ari ni Dominguez ang baril na kanyang ginamit.

Sa tala ng Philippine National Police, nakapagkumpiska na sila ng humigit kumulang 800 iba’t ibang klase ng baril sa mga checkpoint operation mula nang ipatupad ang election gun ban.

Bakit nga ba tila madaling magamit ang baril bilang armas sa krimen? Mabilis nga lang ba talagang makapagmay-ari ng baril sa Pilipinas?

Abangan ang mga isyung lahat tayo ay may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng Pinoy Big Brother Otso, alas-11 ng gabi sa ABS-CBN!

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas-2 ng hapon.

Mag-comment at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.
 
I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph