Domestic helper patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2019 09:40 AM

MAYNILA - Patay ang isang babae matapos siyang barilin sa harap ng isang bakery sa Malate dito sa siyudad, Biyernes. 

Kinilala ang biktima na si Jenny Rose Manila, 25, na papuntang Saudi Arabia sa Marso kung saan siya namamasukan bilang domestic helper.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Division, binaril ang biktima ng isang lalaki sa gilid ng kalsada. 

Kuwento ng isang testigo, live-in partner umano ng biktima ang bumaril dito. Madalas aniya mag-away ang 2 dahil sa selos at posibleng ayaw ng suspek na umalis ang biktima pa-abroad.

Binigyan pa umano ng chocolate ng suspek ang biktima nitong Valentine's Day. May 3 silang anak. Pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang suspek. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.