ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa QC, Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 09:15 AM

Nag-abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kukumpunihin ang ilang kalsada sa Quezon City at Caloocan City simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Pebrero 16.

Kasabay nito, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta dahil magbibigat ang trapiko sa mga isasaayos na kalsada.

Matatapos ang pagkukumpuni ng DPWH sa Lunes, Pebrero 19, alas-5 ng umaga.

Narito ang mga apektadong kalsada:

NORTHBOUND

- A. Bonifacio Avenue mula Calavite Street hanggang Mariveles Street, Quezon City (middle lane)
- Visayas Avenue sa tapat ng Department of Agriculture, Quezon City (outer lane)
- EDSA mula Landers hanggang Howmart (5th lane)
- Congressional Avenue Extension corner Tandang Sora Ave., Quezon City (1st lane)
- Congressional Avenue mula EDSA hanggang Cagayan Street, Quezon City (3rd lane)
- Congressional Avenue Extension bago mag-Visayas Avenue, Quezon City (1st lane)
- Quirino Highway mula T.Urbano - Pagkabuhay Road, Quezon City (inner lane)
- Bonifacio Monumento Circle, Caloocan City

SOUTHBOUND

- A. Bonifacio Avenue crossing Sgt. Rivera, Quezon City (middle lane)

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.