2 sugatan matapos tumagilid ang isang bus sa Iloilo

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 07:15 PM

Kuha ng San Joaquin MPS

Dalawa ang sugatan matapos tumagilid ang kanilang sinasakyang bus sa bayan ng San Joaquin, Iloilo nitong Sabado ng umaga.

Galing sa bayan ng Libertad, Antique ang bus at papunta sana sa Iloilo City nang mangyari ang insidente sa Barangay Quianan.

Agad dinala sa ospital ang 27 pasahero pero nakalabas din, maliban sa dalawang pasahero na dinala sa ospital sa Iloilo City dahil sa tinamong mga head injury.

Ayon sa driver ng bus, nawalan siya ng kontrol habang binabaybay ang kalsada. 

Itinuturing na accident prone ang lugar. 

Nasa kustodiya ng pulisya ang bus driver at tintingnan pa kung sasampahan siya ng reklamo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.