'Di paggamot' ng ospital sa isang 'nanlaban' na drug suspect iniimbestigahan

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2019 07:09 PM

Kinumpirma ng Central Visayas Police Regional Office na lehitimo ang buy-bust operation sa Tuburan, Cebu na may kinalaman sa isang lalaking nanlaban umano sa isang video na nag-viral sa social media. 

Subject umano ang lalaking si Gembe Casas sa isang buy-bust operation noong Pebrero 8 na idinala sa Tuburan District Hospital para maipagamot. 

Iniimbestigahan din nila ang insidente, ayon kay Police Regional Office 7 Director Chief Superintendent Debold Sinas. 

Ayon daw sa video, naghihingalo at duguan habang nag-aantay ng tulong si Casas sa ospital. Pero hindi umano ito hinatiran ng tulong at binawian ng buhay kinalaunan. 

Iginiit ni Sinas na ginawa nila ang tungkulin nila sa pagdadala kay Casas sa ospital matapos ang operasyon, na kasama umano sa kanilang protocol. 

Pero nasa awtoridad na raw ng ospital si Casas sa pagkakataong in-admit ito.

"However, when it (the subject) is inside the hospital, it is already beyond our control," aniya. 

Samantala, isinuspinde na ang tatlong kawani ng ospital habang umaandar ang imbestigasyon, ayon kay Dr. Rene Catan ng Provincial Health Office. 

Iniimbestigahan na rin nila ang insidente. 

-- May ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.