‘Octopus ride’ sa UPLB fair, nagkaaberya; 2 nasaktan

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 11:09 PM

Dalawa ang nasaktan nang magkaaberya ang octopus ride sa fair ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna Huwebes ng gabi. Kuha ng UPLB Perspective

Dalawa ang nasaktan matapos magkaproblema ang isa sa mga rides sa fair ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna Huwebes ng gabi.

Ayon sa UPLB Perspective, ang opisyal na student publication ng unibersidad, nagkabanggaan ang 2 sasakyan ng octopus ride, dahilan para tumigil ito.

Sa kasalukuyan, itinigil na ang operasyon ng nasabing ride at nakababa na rin ang mga na-stuck dahil sa insidente.

Dinala naman sa university health service ang 2 nasaktan.