Pedicab driver, timbog sa droga sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 05:45 AM

Sa kulungan ang bagsak ng isang pedicab driver matapos mahulihan ng ilegal na droga Miyerkoles ng gabi sa Barangay North Bay Boulevard South Proper, Navotas City.

Batay sa paunang ulat ng Navotas Police, kilala sa alyas Empoy ang naarestong suspek, 34 anyos at residente sa lugar.

Nagsasagawa ng anti-illegal gambling campaign ang mga pulis sa nasabing lugar, mag-aalas-8 ng gabi. Pero imbes na mga nagsusugal, tiyempo nilang nakita na may dala-dalang mga droga ang suspek.

Nasamsam sa suspek ang 9 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P28,000.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.