4 kalaboso sa droga sa QC, Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 06:05 AM | Updated as of Feb 13 2020 07:27 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado sa magkahiwalay ng operasyon ng mga pulis sa Quezon City at Caloocan ang 4 na suspek matapos makuhaan ng ilegal na droga. 

Pinosasan ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang dalawang suspek nang hulihin sa operasyon nitong Miyerkoles. 

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr. ng NPD, matagal na nilang minamanmanan ang isa sa mga suspek na dati na itong nakalaya nitong nakaraang taon matapos makulong noong 2017 ngunit napag-alaman nilang bumalik ito sa pagbebenta ng shabu.

Nakuha sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu na aabot ang halaga sa P340,000.

Dalawang lalaki naman ang inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) drugs enforcement unit sa labas ng isang condominium building sa kanto ng Mayon Street, Quezon Avenue, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang bloke ng marijuana.

Depensa nila, may isang batang hindi nila kilala na nagpapaabot lamang sa kanila ng naturang droga.

Ayon kay Police Maj. Timothy Aniway Jr. ng QCPD, matapos nilang manmanan ng dalawang linggo, malaking bingwit ang mga suspek sapagkat marami silang binebentang droga.

Dagdag pa ni Aniway, mas kaunti ang nasasabat nilang droga ngayon kumpara ngayon.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.