3 timbog sa droga sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 05:10 AM

Kalaboso ang isang babae at dalawang lalaki matapos mahuli sa akto na nagbibigayan ng droga sa Barangay Longos, Malabon.

Natyempuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng mahigit P10,000 halaga ng ilegal na droga ang mga suspek.

Batay sa paunang ulat ng Malabon Police, nasa drugs watchlist ang babaeng suspek habang mga pawang bagong tukoy na drug personality ang dalawa niyang kasamahan.

Nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga pulis matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek. Pawang mga residente sila sa nasabing barangay.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.