Uniformed personnel may diskuwento sa pasahe sa mga bus

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2019 03:22 PM

Makakukuha na simula ngayong Lunes ng 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe sa mga pampublikong bus ang mga uniformed personnel, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sakop ng bagong patakaran ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG). 

Para makadiskuwento sa lahat ng city at provincial bus, kailangan lamang ipresenta ang valid ID bilang patunay ng aktibong serbisyo.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, paraan ito para pasalamatan ang mga sundalo, pulis, at tauhan ng Coast Guard sa kanilang serbisyo. 

"This is our way of giving back to our soldiers, policemen, and Coast Guard servicemen who secure our nation and protect the Filipino people," ani Tugade. 

"We owe the peace and order and national security of our country to their inspiring service," dagdag ni Tugade.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.