Magsasakang nagpaputok ng baril, arestado

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2019 07:33 PM

PINILI, Ilocos Norte - Arestado ang isang magsasaka sa bayang ito matapos magpaputok ng baril Linggo ng gabi.

Inaresto ng mga pulis si alyas "Jojo" nang makatanggap sila ng impormasyon na nagpaputok ito ng baril.

Nakuha mula sa kaniya ang isang homemade caliber .22 Magnum at mga bala.

Ayon sa mga kapitbahay, mabait na tao naman umano ang suspek pero may nagagawa itong hindi maganda kapag nakakainom ng alak.

Napag-alaman rin ng pulisya na may kasong homicide ang suspek. Nagawa rin niya ang nasabing krimen dahil sa kalasingan.

Haharap sa kasong alarm and scandal at illegal possession of firearms and ammunition ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.