Failon Ngayon: Special Program for the Employment of the Students

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2019 12:22 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kapag wala nang pasok, wala na ring baon. Yan ang sentimyento ng mga estudyanteng magbabakasyon. Pero para sa 3rd year college student na si Clarisse Ibe, summer time is earning time. Imbes kasi na magliwaliw sa tag-init, ang kanyang oras nakalaan sa pagkita ng salapi.

Si Clarisse ay isa sa mapapalad na benepisyaryo ng SPES o Special Program For Employment Of Students ng abor department. Paliwanag ni Atty. Ana Dione, Undersecretary ng Department of Labor and Employment o DOLE, ang programang SPES ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na ma gtrabaho habang sila ay nag-aaral at kalimitan, ito ay nangyayari tuwing summer vacation at Christmas vacation.

Nagtutulungan ang lokal na pamahalaan at DOLE na mabigyan ng trabaho ang mga estudyanteng 15 to 30 years old. Paliwanag ni Atty. Dione sa kung paano mag-apply sa SPES, “Kailangan nilang i-submit yung application form, tapos copy ng birth certificate. Tapos record from the school yung form 138 kase doon tinitignan kung pasado sila. At saka kopya ng ITR ng kanilang mga magulang. I-naacknowledge din namin yung certificate of indigence ng barangay. Wala silang babayaran dito." 

"Nagre-range yan minimum 20-78 days so parang introduction lang ito sa mga bata. Isa yan sa natututunan ng mga estudyante na sumama sa programang ito, yung mag-aapply ka parang regular na aplikante sa trabaho. Magsusubmit ka ng requirement, magfifill-up ka din ng forms.”

Paghahatian naman ng DOLE at ng partner employer ang sweldo ng nagtrabahong estudyante. Mula taong 1992 hanggang 2018, mahigit tatlong milyong mga estudyante na ang natulungan ng programa nationwide. 

Isa sa mga produkto ng SPES ay ang working student noon na si Wendy Ramos, nagsimula bilang service crew sa fast food chain pero ngayon, level up na siya bilang department manager.

Hindi lang naman daw limitado sa pagiging service crew ang summer job program na ito ng pamahalaan. Paliwanag dito ni Atty. Dione, “Non-technical skills karamihan. Meron tayong mga encoders pag naassign sya sa mga offices, administrative aide, student assistant, clerk, service crew, mga cashiers." 

Dagdag pa DOLE ang SPES ay maaari rin sa mga out of school youth o yung mga kabataang hindi pumasok sa paaralan. Pero hinihihikayat din nila ang mga out of school youth na pumasok.

Tinitiyak naman na hindi mapanganib ang working environment ng employers para sa mga estudyante. Dahil #adulting na ang pagtatrabaho, dapat pinaghahandan din ito ayon sa isang personality development expert.

Paliwanag ni Marisyll Pengson, Curriculum Director ng John Roberts Powers, “Una dapat nilang ilista yung mga kakayahan nila, yung tinatawag nating skills. Kung ako ang prospective employer, mas gugustuhin ko yung isang tao meron nang experience sa pagtatrabaho kahit ba konti lang yan. Sa akin kase nasa perspective ng tao yan. Kung first time, wag isipin na di nenerbyusin, lahat ng tao ninenerbyos, normal lang. it’s just that dapat mamanage nila. At saka preparation is key. Saken ang importante yung experience. So kung bibigyan sila ng opportunity kung nakapagtrabaho sya ng 80 hours sa isang adult workplace at nag thrive at nag survive sya then it means na very promising yung future na makapagtrabaho sya ng maayos pag regular na yung work."

----

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng I Can See Your Voice
11:00 ng gabi sa ABS-CBN! 

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas 2:00 ng hapon. 

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.
 
I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.