2 menor de edad, nanaksak sa internet cafe

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2017 11:43 AM

Isa ang patay habang isa ang sugatan matapos manlaslas at manaksak ang 2 menor de edad sa loob ng isang internet cafe sa Kalibo, Aklan. 

Nakuhanan ng CCTV camera ang pananakit ng mga suspek sa isa sa mga kustomer, na nagtamo ng minor injury at naitakbo pa sa ospital.

Isa pang biktima ang sinaksak ng 2 binatilyo at namatay sa ospital. 

Naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas "Kwit," 16 at alyas "Alas," 17. 

Inamin ng dalawa na nakainom sila nang magawa krimen. 

Umagang Kay Ganda, 9 Pebrero 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.