Pasahero ng tricycle, sugatan matapos madaganan ng container van

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 01:36 AM

Sugatan ang isang pasahero ng tricycle matapos madaganan ng 40-footer container van Huwebes ng gabi sa entrance gate ng pantalan sa Zamboanga City.

Ayon sa driver ng container van na si Bernard Lariaga, sinubukan niyang umiwas sa isang matanda na tumatawid sa daan kaya nawalan siya ng kontrol sa minamanehong sasakyan.

Bumaliktad ang container van at nahagip nito ang isang tricycle at kuliglig na naka-park sa tabi ng daan.

Galos sa katawan ang natamo ng driver ng container van.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.-Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.