1 patay sa banggaan ng 2 tricycle sa Negros Occidental; 4 sugatan

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 11:57 PM

CAUAYAN, Negros Occidental - Isa ang patay habang 4 sugatan matapos magbanggaan ang dalawang tricycle sa highway ng Barangay Bulata sa bayan na ito Biyernes.

Sakay sa tricycle si Arnel Galapin, 40, at ang kanyang asawa nang masapol sila ng kasalubong na isang tricycle din sa highway.

Lumampas umano sa lane ang tricycle na minamaneho ng kasalubong na driver, dahilan at nabangga nito ang tricycle nina Galapin.

Ayon kay Police Maj. Rowell Garinganao, hepe ng Cauayan Police, sa lakas ng pagkabangga ay hindi na nakaligtas si Galapin dahil sa mga natamong mga sugat sa ulo at katawan.

Lumiyab ang dalawang tricycle sa banggaan, dahilan na pagkasunog at pagkamatay ng biktima.

Naisugod sa ospital ang asawa ni Galapin. Dinala din sa doktor ang kasalubong na driver, kasama niyang anak at ang may-ari ng tricycle.

Sasampahan naman ang sugatang driver ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.