P90-M yosi na may pekeng tax stamp nasamsam sa Tacloban

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 12:06 PM

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang kahon-kahon sigarilyo na umano'y peke ang mga BIR stamps sa isang warehouse sa Tacloban City, Leyte.

Sa bisa ng isang surveillance operation sinalakay ng mga operatiba ng BOC ang naturang warehouse kung saan nadiskubre ang kahon-kahong sigarilyo na iba't iba ang brand. 

Nakita rin sa warehouse ang ilang makinaryang ginagamit para gumawa ng pekeng sigarilyo. 

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang ilang pekeng tax stamps na nagkakahalagang P67.2 milyon ang nakumpiska. 

Humigit-kumulang P90 milyon naman ang halaga ng pekeng sigarilyong nakuha sa bodega. 

Sa kabuuan, ayon sa Customs, aabot sa P385.2 milyon ang halaga ng nakumpiskang pekeng sigarilyo, stamps, at kagamitan. 

Pahaharapin ang may-ari ng warehouse sa kasong Republic Act No. 8293 o Philippine Intellectual Property (IP) Code. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.