2 sugatan sa pamamaril sa videoke bar sa Agusan del Norte

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 01:08 AM

CABADBARAN CITY, Agusan del Norte - Dalawa ang sugatan sa pamamaril sa isang videoke bar sa lungsod na ito Martes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima at suspek nang bigla na lang bumunot ng baril si Ricarjun Tesado at binaril umano si Edgar Bayang, na tinamaan sa kaliwang bahagi ng kaniyang mukha.

Tumagos ang bala at tinamaan din si Clarito Tumarao sa kaliwang bahagi ng kaniyang paa.

Sa isinagawang operasyon ng kapulisan, nahuli ang dalawang kasama ng suspek na sina Cerenedel Tesado at Michael Lagrita habang patuloy na pinaghahanap si Tesado at kapatid nitong si Christopher.

Hindi pa matiyak ng pulisya ang motibo ng pamamaril habang inihahanda na ang kasong frustrated murder laban sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.