Ina at sanggol sa Eastern Visayas, naka-quarantine dahil sa 2019-nCoV

RJ Rosalado, ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 12:20 AM

Umakyat na sa 5 ang mga person under investigation (PUI) sa Eastern Visayas na isinailalim sa quarantine ng Department of Health (DOH) dahil sa novel coronavirus (2019-nCoV).

Pinakabago rito ang 26 anyos na babae at ang kaniyang 7 buwang sanggol na nakaranas ng ubo. 

Ang mag-ina ay may travel history sa Macau kasama ang sister-in-law na isinailalim din sa quarantine sa isang government hospital sa Tacloban.

Mayroon ding 7 na person under monitoring matapos maka-close contact ng mga PUI.

Negatibo naman sa naturang virus ang 30 anyos na babae mula sa Leyte, base sa inilabas na resulta ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Nitong Sabado, pinauwi ng DOH ang Amerikanong turista na isang propesor sa Wuhan, China matapos itong mag-negatibo sa 2019-nCoV.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.