Mag-anak inararo ng truck sa Laguna; 3 patay, 2 sugatan

April Magpantay, ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 08:51 AM | Updated as of Feb 06 2020 01:43 PM

Nawalan umano ng kontrol ang track nang mag-overtake ang isa pang truck na kasabay nito. April Magpantay, ABS-CBN News

PANGIL, Laguna — Patay ang 3 tao habang 2 ang sugatan matapos silang masagasaan ng delivery truck habang naglalakad sa Barangay Sulib sa bayan na ito nitong Huwebes ng madaling araw. 

Ayon kay Patrolman Chester Dator ng Pangil police, galing birthday party ang mga biktima, na pawang magkakamag-anak, nang masagasaan sila sa tabing-kalsada ng Manila East Road.

Nawalan umano ng kontrol ang track nang mag-overtake ang isa pang truck na kasabay nito. 

Hindi na raw napansin ng delivery truck ang mga biktimang naglalakad lang sa side walk.

Madilim din ang bahagi ng nasabing highway kaya itinuturing na accident-prone ang naturang lugar, ayon kay Dator. 

Patuloy naman na nagpapagaling ang 2 biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

— Ulat ni April Magpantay, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.