3 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan, Malabon

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 05:42 AM

Kalaboso ang 3 katao sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Caloocan at Malabon.

Unang nasakote ang isang babae na nasa drugs watchlist sa Libis Espina St., Barangay 13, Caloocan.

Ayon sa Northern Police District drug enforcement unit, nakabili sila ng P1,000 halaga ng ilegal na droga bago inaresto ang target ng operasyon na si alyas Annie na nakatira sa kabilang barangay.

Nakumpiska sa suspek ang 26 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P176,800.

Nasa mahigit P9,000 halaga ng hinihinalang shabu naman ang nasamsam ng Malabon Police mula sa 2 lalaki sa Barangay Concepcion, Malabon.-Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.