Akiki Trail ng Mt. Pulag, isasara matapos ang forest fire

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2019 04:41 PM

MAYNILA -- Muling isinara ang isang trail sa Mount Pulag sa Benguet matapos masunog ang isang bahagi nito dahil sa forest fire. 

Sa isang pahayag noong Miyerkoles, inanunsyo ng Mount Pulag National Park na isasara nila ang Akiki Trail para isailalim ito sa rehabilitasyon. 

Ito ay matapos magkaroon ng sunog sa Eddet at Poblacion Kabayan sa Benguet, na nagbunga pa ng sunog sa parte ng naturang trail. 

Ang pagsasara anila ay para sa kaligtasan ng mga trekker na dumadalo rito. 

"In view of the forest fire that occurred in the Eddet area and Poblacion Kabayan, Benguet, the Park Management is closing the Akiki Trail for rehabilitation for the safety of trekkers," anila. 

 

Sa pahayag sinabi nilang isinasailalim pa sa assessment ang insidente. 

Magugunita na noong Enero 2018 ay isinara ng anim na buwan ang naturang bahagi ng bundok nang masunog dahil sa kalan ng isang hiker. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.