3 bata, nasabugan ng granada sa Surigao del Sur

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 09:00 PM | Updated as of Aug 26 2018 08:48 AM

Patay ang tatlong bata matapos aksidenteng masabugan ng 40mm grenade sa Lianga, Surigao del Sur nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot ang mga biktima na sina Rynna Tiu, 12, Renz Galdiano, 3, at Reden Galdiano, 1.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Lianga Police kasama ang 75th Infantry Brigade, pinaglaruan ng batang si Renz ang bala ng grenade launcher at nang ihagis niya ito ay bigla itong sumabog, sanhi ng agad na pagkamatay ng dalawang magkapatid at pinsan na si Rynna.

Napag-alaman na napulot lamang ito ng ama na si Reger sa damuhan malapit sa kanilang bahay. 

Hindi na niya ito ipinagbigay-alam sa mga awtoridad sa pag-aakalang hindi ito puputok.

Panawagan ng mga awtoridad, agad na ipagbigay-alam sa kanila kung sakaling may mapulot na pampasabog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.