Eroplanong lulan ang 2 piloto, nawawala

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2019 06:18 PM

MAYNILA—Nawawala ang isang eroplano ng isang flying school na lulan ang 2 Indian national sa Subic, Zambales.

Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines at ng Philippine Coast Guard, umalis ang single-type engine aircraft na may tail number RPC-2724-152 mula sa Subic airport at pabalik na sana sa flying school sa Plaridel, Bulacan nang biglang mawala nitong Lunes.

Lulan ng eroplano ang instructor pilot at ang student pilot. 

Patuloy ang search and rescue operation ng Coast Guard. Nagdispatsa na rin ng dalawang eroplano ang flying school para tumulong sa paghahanap.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.