100,000 pampublikong gusali sa bansa, walang bandila ng Pilipinas: NHCP

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2019 05:07 PM

Tinatayang aabot sa 100,000 pampublikong paaralan, istasyon ng pulis at iba pang mga opisina ng gobyerno ang wala pang watawat ng Pilipinas, ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP). 

Hindi isinaad ng NHCP kung bakit hindi nalagyan ng pangunahing simbolo ng Pilipinas ang mga naturang gusali.

Dahil dito, nagsanib puwersa ang ilang ahensya ng pamahalaan upang solusyunan ito.

Ayon sa Department of Education, nakikipagtulungan na sila sa NHCP para mabigyan ng watawat ng Pilipinas ang bawat paaralan ng bansa, pati na rin ang ibang himpilan ng militar at pulisya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, kinakailangang may bandila ng Pilipinas ang bawat pampublikong gusali sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.