'National Bible Day' tuwing huling Lunes ng Enero, lusot sa Senado

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 07:46 PM

Inaprubahan na sa Senado ang panukalang batas na gawing "National Bible Day" ang huling Lunes ng Enero.

Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 1270 na layuning gawing special working holiday ang paggunita sa mga aral ng Bibliya.

Ayon sa may-akda at sponsor nitong panukala na si Sen. Manny Pacquiao, magbibigay pagkakataon ang ganitong holiday para sa pagbubuklod sa pananampalataya ng sambayanan.

Co-sponsor ng panukalang batas sina Sen. Francis Escudero at Sen. Joel Villanueva.

Dagdag pa ni Pacquiao, sa mga nakalipas na administrasyon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, at Fidel Ramos, itinakda nila ang huling linggo ng Enero bilang "National Bible Week."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.