‘Failon Ngayon’: 1 million jobs

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2019 12:57 AM | Updated as of Feb 03 2019 12:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kung magkakaroon ka ng isang milyon. Ano’ng gagawin mo? 

Kung magkaroon naman daw ng 1 milyon ang DOLE ngayong taon, ipamamahagi nila ito sa mga Pilipino. Lalo na kung ito ay 1 milyong bakanteng trabaho. Paliwanag ni Director Dominique Tutay: “’Yung pamahalaan po natin ay nagtatarget ng 900,000 to 1.1 milyon kada taon na trabaho na lilikhain ng iba’t ibang sector. Nand’yan po ’yung ating construction sector, manufacturing sector. Pangatlo po ung wholesale and retail. D’yan ’yung sa’ting mga sales. Ganu’n din po boom sa public admin and security, ’yan naman po ’yung government employmemt po natin. Another is ’yung tourism industry and also ’yung information technology, business process management.”

Nakikita na nga nila ang pagbuhos ng mga posisyong pwedeng apply-an lalo na sa government employment portal na PhilJobnet. Ang PhilJobnet.gov.ph ay isang job portal ng gobyerno. Ayon sa DOLE, maaaring i-search ang posisyong type pasukan. O pwede ka namang mag-register at isumite lang ang iyong credentials para ma-save sa website upang mapagpilian ng mga kumpanya.

Sa ganitong balita, nabubuhayan ng loob si Carlo Maldonado na makakahanap na ng trabaho. Mag-iisang taon na kasi siyang bakante mula nang maka-graduate sa kursong BS Electronics Engineering.

Problemado naman si Reynaldo Paloma Jr., kung makakasungkit pa siya sa inaalok na trabaho ng gobyerno. Masidhi ang pangangailangan niyang makahanap ng trabaho dahil nakikitira lamang siya rito sa Maynila.

Para kay Carlo at Mang Reynaldo, tinitignan pa rin naman daw ng employer ang skill o kasanayan kaysa sa kursong tinapos o edad.

Kung sakali naman na tawagan na ng kompanya, payo ng DOLE ihanda ang résumé, school certification o training certificates at NBI clearance. Maaari ring magdala ng SSS, Tin ID.

Pati mga kabataan ay may pagkakataon din na magkaroon ng trabaho ngayong magbabakasyon. Ito ang Special Program for the Employment of Students. Maaari raw mag-apply sa mga opisina ng Public Employment Office o PESO sa mga local government offices. 

Kung trabaho abroad naman ang hanap, sa Japan, bukod sa mga job orders na meron ngayon para sa mga Pilipino. May bagong employment track din na ilulunsad sa Abril ang nasabing bansa para sa mga gustong magtrabaho dito.

Bumiyahe naman na ang ilang aplikante gaya ni Rosemarie Javier ng Maynila mula Batangas para makasubok sa bagong sistemang ito sa Japan. Ayon sa kaniya, mas malaki raw ang offer at maaari pa raw mag-migrate kasama ang pamilya.

Pero ang siste, may mga kwalipikasyon na dapat ipasa muna ang mga aplikante. Ayon kay undersecretary Bernardo Olalia, mayroong skills test at language proficiency test na kailangang ipasa.

Marami pang magandang oportunidad ang inihahanda ng gobyerno para sa taong 2019. Ayon kay Director Dominique Tutay ng DOLE: “Let’s be very positive pagdating po sa paglago sa ating ekonomiya ng Pilipinas. Nakikita na po natin ang dami pong construction na nangyayari dahil kung maayos po ’yung ating infrastructure, we will be attracting more investors in the country and investements would also lead to employment.”

___


Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng “PBB Otso” alas-11 ng gabi sa ABS-CBN.

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas-2 ng hapon. 

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.

I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph