SAPUL SA CCTV: Lalaki 'napagtripan', sinaksak, kritikal

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 06:44 PM | Updated as of Aug 02 2019 03:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kritikal ang isang lalaki matapos saksakin ng grupo ng mga lalaki sa Calumpit, Bulacan.
 
Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad ang isang grupo ng mga lalaki na tumambay sa bahagi ng Poblacion.

Lumabas naman mula sa isang computer shop ang isa pang grupo ng mga lalaki papunta sa isang tindahan.

Pero nang paalis na ang mga biktima ay pinagmumura umano ng mga suspek ang grupo. 

Makikita sa CCTV na nagkagirian pa ang magkabilang grupo hanggang sa pumorma na ang ilan sa mga suspek sa pag-unday ng saksak. 

Napaatras ang mga biktima hanggang sa nasaksak ang biktima na si Juan Carlos Lagayada.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspek. 

Kritikal ngayon sa ospital si Lagayada na tinamaan sa baga. 

Hustisya naman ang hiling ng pamilya ng biktima. 

Tinututukan na ng Calumpit, Bulacan PNP ang pagtugis sa mga suspek.

Ayon naman kay Supt. Andrei Manglo, maaaring sa Poblacion din nakatira ang mga suspek. 

Nanawagan din ang pulisya sa sinumang may impormasyon sa mga suspek. 

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.