Tricycle operator sa QC , timbog dahil sa mga baril

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 06:13 AM

Timbog ang isang tricycle operator na supplier umano ng mga baril ng mga riding in tandem sa Quezon City. 

Ayon kay Police Captain Edwin Fuggan mula sa police Criminal Investigation and Detection Group ng Quezon City, naghain ng search warrant sa bahay ng 45 anyos na tricycle operator sa Barangay Payatas, Quezon City. 

Nakita sa loob ng bahay ang 3 baril at mga bala na lahat walang mga lisensiya. 

Ayon sa mga pulis, ang nahuling suspek ay iligal na nagbebenta umano ng mga baril sa Quezon City at Montalban, Rizal. 

Mga riding in tandem na kriminal ang ilan umano sa mga customer ng suspek kaya malaking tulong rin sa mga anti-criminality effort ang pagkahuli ng suspek na ngayon ay nasa Camp Karingal na.-Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.