Pamilya tiklo sa droga sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 05:44 AM

PAMPANGA - Arestado ang isang pamilya ng mga tulak umano ng ilegal na droga Martes ng gabi sa Sitio Tramo, Barangay Cabetican, Bacolor.

Sa hudyat ng police poseur buyer, pinasok ng mga operatiba ng drug enforcement unit ng Bacolor Police ang bahay ng mga suspek at hinuli ang inang si Gemma Manalastas Mogul, 36 anyos, amang si Ronnie Roque, 37 anyos at anak na si Jericho Mogul, 18 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu kasama ang subject ng buy-bust operation at ang P500 na marked money.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.-Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.