Security guard, binaril sa loob ng bahay sa QC

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 03:45 AM | Updated as of Jan 29 2020 07:43 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

QUEZON CITY - Patay ang isang security guard matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay Martes ng gabi sa Sitio Barimbao, Tandang Sora.

Bandang alas-8 ng gabi, pinasok ng mga lalaking may takip ang mukha ang biktimang si Jesus Fernandez. Sugatan naman ang isa pang lalaki matapos aksidenteng tamaan ng bala sa binti.

Ayon kay Belinda Fernandez, asawa ng biktima, palaisipan para sa kanila kung bakit pinatay ang kanyang asawa pero dati na itong nakulong sa kasong droga at kakalaya lamang.

Nang pumutok ang baril, agad lang daw silang tumakbo na at wala nang ibang nagawa. 

Dagdag ni Belinda, wala naman umanong alam ang asawa niya na banta sa kanyang buhay. 

Ayon kay Police Capt. Bernard Okasyon ng Quezon City Police Station 3, kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.