P3-M halaga ng ecstasy, marijuana nasabat sa Taguig; 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 07:57 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jekki Pascual (@newspatrol) on

Arestado ang 3 drug suspect matapos makuhanan ng humigit P3-milyong halaga ng high grade marijuana at ecstasy Miyerkoles ng madaling araw sa Taguig City.

Nakasilid ang droga sa mga garapon sa tinitirhang condominium unit sa Taguig ng itinuturong drug supplier na si alyas Roy.

Nakuhanan pa ang suspek ng mga identification card na iba’t iba ang pangalan. 

Nag-ugat ang operasyon sa pagkakaaresto ng isang alyas Jojo, 19 anyos, nang ituro nito ang umano'y ng supplier niyang si alyas Yves.

Umamin mang gumagamit ng droga, tinanggi naman ni alyas Yves na siya ay supplier at tinuro naman si alyas Roy.

Ayon kay Police Capt. Ariel Ilagan ng Taguig Police, may ginagamit umanong code ang mga suspek para makapag-usap sa social media na sila-sila lamang ang nakakaalam.
 
Wala rin umanong ideya sa aktibidad ni alyas Roy ang may-ari ng condo unit at kinumpirma lamang na nanatili ito sa lugar nitong Nobyembre.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung saang mga lugar pa binabagsak ang mga droga.-Ulat nina Lady Vicencio at Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.