1 anyos patay sa sunog habang natutulog sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 08:21 PM

Patay ang 1 anyos na bata matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Igpuro-Bariri sa bayan ng Miagao, Iloilo. 

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Miagao, natutulog ang bata sa loob ng bahay nang mangyari ang sunog. 

Ligtas ang dalawa pang kapatid ng bata at ang ina nilang si Rosalie Naorbe, na nag-aayos ng kanilang pinagkukuhanan ng tubig nang mangyari ang sunog. 

Maaaring nagsimula ang sunog sa nakasaksak na electric fan sa bahay ng pamilya Naorbe, batay sa imbestigasyon ng BFP-Miagao. 

Inabot rin ng sunog ang katabing bahay na pagmamay-ari ng isa pang Samuel Nangan, at isa pang kalapit na kapitbahay. 

-- Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.