Truck nahulog sa bangin sa Agusan Del Sur; 2 patay, 9 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 07:09 PM

Ayon sa imbestigasyon, bumiyahe ang sasakyan papuntang Sitio Wilderness at nagkaproblema umano ang brake nito, dahilan para umatras sa bangin ang truck. Photo Courtesy: Jhungie Librias

BAYUGAN CITY, Agusan Del Sur - Patay ang dalawang pasahero habang siyam ang nasugatan nang mahulog ang sinasakyang truck sa isang bangin sa Brgy. Mt. Carmel, umaga nang Martes. 

Ayon sa imbestigasyon ng Bayugan City police, bumiyahe ang sasakyan papuntang Sitio Wilderness at nagkaproblema umano ang brake nito. 

Dahilan ito para mawalan ng kontrol ang drayber sa manibela at umatras patungo sa bangin.

Sugatan ang siyam na sakay at driver. Inilipat sa isang ospital sa Tagum ang driver.

dinala naman sa punerarya sa Agusan Del Sur ang mga namatay na pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.