Ilang lugar sa Quezon City, pansamantalang mawawalan ng tubig sa Huwebes

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 05:28 AM | Updated as of Jan 28 2020 05:50 AM

QUEZON CITY - Magkakaroon ng water interruption sa ilang barangay sa Novaliches, Quezon City sa Huwebes. 

Ito'y upang magbigay-daan sa pagkakabit ng water pipeline ng Maynilad sa Susano Road, Novaliches, Quezon City.

Sa abiso ng Maynilad, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na barangay:

  • Santa Monica
  • San Agustin
  • Novaliches Proper
  • Nagkaisang Nayon
  • Gulod

Ipapatupad ang water interruption 8:00 ng gabi ng Huwebes hanggang 6:00 ng umaga ng Biyernes.

Sa mga may karagdagang tanong maaari kayong tumawag sa Maynilad Hotline 1626.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.