Kagawad, bata patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 05:20 AM | Updated as of Jan 28 2020 08:22 PM

(UPDATE) Patay ang isang barangay kagawad at batang babae matapos pagbabarilin ng mga lalaking nakamotorsiklo sa Santa Ana, Maynila noong hapon ng Lunes.

Pumanaw sa ospital nitong hapon ng Martes si Bobby Cudal, kagawad ng Barangay 775 sa Santa Ana at target ng gunmen.

Nakaupo sa harap ng barangay si Cudal, 52, at 3 pa niyang kasamahan nang huminto sa harap nila ang 2 motorsiklo. Nagpaulan ng bala ang mga lalaking sakay ng motorsiklo bago tumakas.

Nasawi rin sa pamamaril ang isang 8 taong gulang na natamaan ng ligaw na bala.

Bumibili lamang noon ng barbecue ang bata malapit sa binaril na kagawad nang tamaan siya ng ligaw na bala.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa imbestigasyon ng pulisya, may nakuha silang papel sa wallet ni Cudal kung saan nakasulat ang pangalan at address ng isang taong nagbabanta sa kaniya.

Patuloy na inaalam ng Manila police ang pagkakakilanlan ng gunmen. 

-- Ulat nina Lady Vicencio at Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.