2 suspek patay sa Batangas drug bust

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 03:17 PM

Dalawang drug suspect ang nasawi matapos mauwi sa barilan ang isang buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis laban sa kanila sa bayan ng Padre Garcia, Batangas nitong madaling araw ng Martes.

Kinilala ni Batangas police director Col. Edwin Quilates ang mga suspek bilang sina Louie Mendoza at Richard de Guzman, na target ng operasyong nangyari sa Barangay Banaba.

Nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang mga katransaksiyon kaya bumunot sila ng baril, ayon kay Quilates.

Nakuha sa mga suspek ang 6 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1.7 milyon, ayon sa pulisya.

Nakuha rin sa mga suspek ang P350,000 boodle money at 2 baril.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.