PH Coast Guard, naglinis sa Manila Bay

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2017 09:37 AM

MANILA – Muling nagsagawa ng clean-up drive sa Manila Bay ang Philippine Coast Guard Auxiliary katuwang ang lokal na pamahalaan ng Maynila.

Mas malinis na ngayon ang itsura ng Manila Bay kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan bagama’t hindi talaga lubusang malilinis ang dalampasigan sa 1 araw na clean up drive lang, ani Department of Public Services ng Maynila.

May mga bahaging nalalakaran at nauupuan na ng mga namamasyal nitong Sabado ng umaga, at may mga dragon boat team na nag-ensayo sa Manila Bay Sabado ng umaga.

Isang trak ng basura at burak ang nahakot malapit sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.